Sunday, July 21, 2013

Why , why not?

Kinagisnan:

Karamihan sa atin kung ano lang 'yung field na natapos doon lang tayo mag-papakadalubhasa, magdededika ng buong buhay, kaalaman dugo at pawis.

Wala naman akong nakikitang masama tungkol dyan. At least, loyal tayo  sa karerang pinili natin.

Ngunit may mga taong kahit anong kapit nila sa karera nila at kahit anong pagsisikhay at pag tityaga, aminin man natin o hindi, hindi lahat ay nagtatagumpay.

Why ?
Kaya bakit ka pa kakapit kung hindi ka naman kinakapitan ding pabalik ng swerte sa ngalan ng trabaho mong pinili ? Ikaw lang ang nagpapakahirap magkontribyut ng kaalaman mo. Iba ang umaangat. Ginagamit ka lang.Lagi pa tayong stressed kung paano isasabuhay ang mga matataas na ekspektasyon nila.

Pero kwidaw, sabi nga , may solusyon sa bawat suliranin.

Wala namang masama kung medyo mag-iiba ka naman muna ng daang panibagong tatahakin.
Dagdag kaalaman.Di kabawasan sa pagkatao.

Malay mo dun ka lumago. Dun ka sumaya .Dun ka makilala.

Why not?!
Di ba?

Well, madalas kong marinig na kung di mo linya ang isang bagay pero may nakikita at natatanaw kang momentum intuition o kaba ng pag-asenso eh, walang magbabawal sa yo at sa akin o sa ating lahat na gawin ang bagay na yon.

Baka iyan pa ang linyang magpaiba ng progreso natin  sa buhay.

Walang masamang sumubok ng iba pang bagay. Na sa akala mo ay hindi mo kayang gawin pero kaya mo pala at mayron kang lakas at kakayahan na gampanan yun.

Hidden potential ang tawag dun. Una inaayawan natin kase di pa natin masyadong alam at arok ang totoong kagandahan ng bawat oportunidad versus sa kalimitang karir na pinag gagagawa natin sa buhay.

Masarap 'yung maraming alam. Flexible at confident ka kung may alam ka sa kahit anong bagay.
Hindi ka man maging mahusay at magaling ang mahalaga may alam ka. Provided na ang kaalamang yon ay sakto at totoo.

Kaya kung nahihirapan ka sa sitwasyon mo ngayon, madami sa tabi tabing alternatibo para magbago.
Hindi naman sinabing iwanan mo ang karir mo. Ang suhestyon ko lang ay hindi masamang magdagdag.

Mag-isip isip din kung may panahong makuha para makapag-isip.

Tayo ang nagmamaneho ng mga sari- sarili nating buhay na iginigiya ng Gabay na sa nasa itaas.
Kung ano ang desire natin, lalo na at nakakabuti ito para sa lahat, siguradong di Niya tayo papabayaan.

I hope this post could somehow enlighten your thoughts about indulging into a new venture in life.
Wag tayo matakot sumubok na mag-take ng risk. Kase, mas nakakapanghinayang 'yung minsang may tsansa na tayong tumaya pero wala pa rin tayong ginawa.


One fine day, a quick shot from where I was lounging. (RB_Bautista)



The above post is brought to you by RB Bautista.
Did you know that you can use the internet to earn extra income?   Click here to get to know RB Bautista better. Thanks!

No comments:

Post a Comment