Friday, July 26, 2013

Para-paraan lang 'yan.


Another great day at the kindergarten.

I usually do some indoor games using all the materials para naman di sila ma-bore (read : mabuang o mainip) sa lesson.

Isabuhay ang ipinagkaloob na kakulitan at ka-kengkoy-an.

It's really fun dealing with kids especially when you know in your heart that they are always asking when would be the next lesson.And times that they wouldn't let you go home,pleading for some more extra minutes  to be around them.

That feeling of acceptance, di kayang bayaran ng salapi. :)


Scenario kanina : Eliciting the students to say the words one by one and when they meet halfway, they are going to do the "Rock,Scissors Paper,Go stuff. Other kids are waiting for their turn in case their team  player lost. They have to say the first word of the picture card to save their team.

In this image, medyo nawawalan  na ng lakas ng loob ang maliit na bata. 'Yung naka-pink.
 Talo lagi sa "rock scissors paper go!"

Absent siguro sya nu'ng itinuro ni Japanese sub- teacher  ang RSP,GO! or sadya lamang di nya ma-gets. Nahihirapan sila talaga mag-pronounce.

Malamang 'yung hindi nya ma-gets at hindi nya masabe. ( Pag ako tinopak,tuturuan ko sila ng Jak en Poy... hali hali hoy !)

 Maiyak-iyak na mahiya-hiyang nakatanga sa akin . Parang nagpapa-saklolo.
' Kako ,okay lang yan.
" Gambare!"--> just continue. Do it slowly.....

 Ayun pag-tira nya, winner!

 Tapos nun, bigla nya akong niyapos.
Sabay sabing "Sari Sensei,arigatou ".  (Thank you,Ms.Sari)

Alam nyo,sila yung challenge ko bilang tagapag-turo.

 Sila, as in 'yung mga kulilit na walang naiwan sa katawang steadiness, (parang mga kiti kiti at bulating di mapaihi)

'yung mga maeengay na medyo nakaka -distract sa mga seryosong matuto,

'yung mga pasaway na pa-ksp na medyo may paiyak-iyak pa minsan para puntahan mo at tabihan.
'Wag kalimutan ang mga batang bulinggit na sobrang damakmak kung makapag kwento.

 Pati bagong panganak nilang kapatid eh- ikukwento pa sa 'yo at lahat. Kung ano ang kinain nila in the morning. Etc etc blah ...

Lahat naman yan eh, pinapakinggan ko.

 Patulera !

Humahanay pa sa level ng mga heights nila at i-na-eye to eye ko pa talaga sila, relaying na may handang makinig sa bawat kwentong kinder nila. Somehow para alam nilang may nakikinig sa kanila.
Minsan kase,pag sobrang makulit binibiyabit sila ng ibang teacher palabas. Kako carry ko sila.Kaya ko ang mga batang iyan.


RB+ Objective:   Bigyan ng pansin at atensyon lalung lalo na  ang mga mahiyain. Para ma-boost ang kanilang confidence. Dahil once na mabago natin sila, mas masarap sa pakiramdam.

 Achievement.

Ayos!

'Wag nating sukuan ang mga challenges natin sa pang-araw araw nating buhay. Dahil makakakita din tayo ng resulta kung may gagawin tayo. Wag umasa na may resulta kung wala ka namang ginagawa. At kung pare-pareho pa rin ang istrateji  mas lalong wag kang mag-expect ng bago...Gawan mo kase ng bago...

Para-paraan lang 'yan.

Kuha natin?
Yumi chan- It has been a while- (Yumi is still on her higher class in elementary  when we met.She was one of my pioneer students in my tutorial classes.,then.
 Now, she is already  a certified kindy staff)
Happy to see her progressed!
Gusto ng mga batang binabasahan sila ng mga k'wento.K'wentong pagong, k'wentong barbero ,kwentong kuneho, k'wentong kahit ano lang ...basta nakangiti ka ...bebenta sa kanila. :)
S'yempre akala lang nila basa basa eh pag nikukulit ko na sila kung ano ba ang mga nakikita nila , ay ! di mapipilitan silang magsalita ng Inggles. Di nila dama 'yun na nire-review ko sila.wek!


Ating basahin din ang mga komento at kurot ng ng mga kaibigan kong kalimitang educators at leaders din.
 Maraming salamat sa inyong suporta.Mahal ko kayo mga baklaaaa!! <3



Your opinion matters.


The above post is brought to you by RB Bautista.
Did you know that you can use the internet to earn extra income?   Click here to get to know RB Bautista better. Thanks!

No comments:

Post a Comment