Friday, July 19, 2013

Nanay and network marketing.

Balik- tanaw:


 Naalala ko, ang aming Mudrax nga pala ay isang dakilang network marketer din.

 From simpleng pagbebenta ng Saladmaster--(opo, yung mga pressure cooker na mga may dating), encyclopedias at DXN sa health and wellness.

 And yes, she's even promoted as a directress (Direktora sa teygalowg?) sa real estates na kinarir nya noon. Madali syang makapag-close ng sales kahit di sya gaano tumatalak ng makatarungan.

 Kaso lang,eto na ang problema.Sobra nyang bait na kahit komisyon nya na, once na may umungot sa kanyang downlines nya o members sa ibaba, mega paluwag s'ya to da max.Kesehodang mawalan pa sya ng anda. Gora lang sya basta ba wag magutom ang mga junaknak ng kanyang mga nasasakupan.


Namana ko siguro sa kanya ang pagiging isang utak -negosyante.

Dahil bata pa lang kami ay namulat na kami sa paraan nya ng pag-hahanapbuhay para sa amin. Kontratado na nya ang aming school canteen para sa mga kakanin.

So libre na kami sa baon dahil pag may benta na sa canteen p'wede ng ikuha ng pera at ibili ng ibang mga gusto naming kainin sa school.

Okay lang naman sa mga guro dahil kalimitan ang mga guro namin ay pinsan ng aming mudrax. yay! Kakuntsaba na rin pati mga pinagpipitaganang punong tagapamahala. :p

 Dine-delegate din nya sa iba pa nyang pamangkin ang araw araw na pag-dedeliver ng mga dadalhin sa canteen para magkaroon din ito ng mga baon. At libre din silang mag-swap ng kahit ano( basta may kita na ang bilao ni Nanay).


 Okey fine. ganun sya kabait. Kaya siguro nikuha na sya ni Lord ng maaga.


 In a way-pansin nyo? Leveraging ang kanyang ginagawa. Not only for her own good but also for the sake of others.

 At eto pa, never ko sya nakita na makipag awayan sa ibang tao. Lagi syang nagpapaubaya. Kahit di naman sya may kasalanan.Lagi nyang mantra ang mga salitang" Hamo na . hayai na sila...pagdasal na lang natin ang mga taong yun."


 Di ko 'yan nakuha.

Patulera ako lalo na pag kami ang naa-agrabyado...sino pa ba naman kako ang magtatanggol sa amin kundi kami kami na rin laang... nasagot ako at nagsasalita lalo na pag alam kong may katwiran at nasa tama .hehe


 Ang reklamo ko lang sa kanya lagi, di sya marunong mag inventory. Which is kaya siguro ako natutong mag-negosyo, magtipid at maging strikto ay dahil na rin sa nakita kong mga demerits na 'yun.

Na-miss ko lang si Nanay.

 Ang mapagkumbaba naming negosyante -marketer, rolled up into one.

 Saturday Throw Back!

Di ko maiwasang di mapa-iyak. :p

 Masarap ding mag-emo once in a while ... Nice tears itetch. Wag nyo akong alalahanin.

 RB+ ang moral lesson ng kwentong trobak saterdey ko eh,

 -Okay lang maging mabait sa negosyo wag lang magpapagamit.

 -At para dun sa iba ...wag masyadong abusado.

 -Magsipag. :p -

Mag-delegate :p -

And stay humble.

 -'Yun lang !

 Ikaw, anu sa palagay mo? May entrepreneurial spirit ka rin ba?


The above post is brought to you by RB Bautista.
Did you know that you can use the internet to earn extra income?  Click here to get to know RB Bautista better. Thanks!

No comments:

Post a Comment