Tuesday, July 30, 2013

In-assess ko sila.


Di man siguro obvious,kahit ako ganto, may mga  Japanese teacher na working under my jurisdiction.

Jurisdiction talaga. Nasa ilalim sila ng aking malupit na pangangalaga...Ahermmm! Joke lang yung malupit.Mabait tayo. (Mabait tayo. Yeah right!)

At 'yon nga, sa pagpapatuloy...

In-assess ko sila.Ni-evaluate kumbaga!

At iisa lang ang napansin ko.


Wala silang kabuhay buhay magturo. 

So ang siste, pati ang mga bata batuta hindi magkaroon ng interes sa klase.

Sobra kaseng stiff ng way ng pagle-lecture nila.

Parang eto lang 'to.
D'yan ka lang...
ito lang ang sasabihin mo..

Ano robot?

Para kasing sinusulit lang nila kung gaano lang ang bayad sa kanila ng mga gagawin nila. Di man lang marunong mag-extend kahit kaprasong sampol o kaunting alibis-

Worst, kulang sila sa gestures at pag-ngite.

Nakakatamad. Oo, nakakatamad silang tignan.

Pero wala daw sila magawa. No choice. Kahiyaan naman na daw na bumaba sila sa pedestal nila as "educator/English tutor/ tagapagturo.

Sayang nman syempre ang mga puhunan nilang 2 months na pag - tu-tour sa ibang bansa. Malaking karangalan na para sa kanila yun para maging isang ganap na Guro ng pangalawang lengguwahe.

Oh my GEE! Yun lang pala ang panuntunan nila. (Ayos , Alejandro, bigyan sila ng jacket !!! lol)

Sidenote: Kahit maganda pa ang curriculum  o format ng leksyon, kung wala namang sigla ang kahit sinong mag-iimplement nito eh, wala ding saysay.

Back to basics 'kako.

'Yung attitude.
'Yung excitement.
'Yung gigil sa ginagawa.
'Yung pakikitungo sa mga bebe.

May humirit pang sub-teacher. Sabi eh; eh kase iba tayo, Sari Sensei ka, foreigner ka. (ako sa isip isip: Foreigner ka dyan!)

Hirit ko naman...Di ba mas dapat maging magiliw kayo sa mga bata batuta dahil mga Hapon kayo. Dapat instead na sa akin mas malapit , dapat sa inyo. ( makalipas ang mga ilang segundo,halos sabay sabay nilang sabing; sabagay may katwiran ka dyan)

May tama ako talaga dun. 'Wag na kasi ipagpilitan ang baluktot.



RB+ End of assessment.
Ise-seminar ko ulet sila.
Sa ayaw nila at sa gusto.

Shoot!









Marami rin tayong matututunan mula sa mga likas na sinasabi ng mga  bata. Minsan nga sa kanila pa tayo pwedeng humigit ng lakas. Kaya turuan natin sila ng magagandang bagay at 'yung nasa tama. Image: years back in the Primary school.




The above post is brought to you by RB Bautista.
Did you know that you can use the internet to earn extra income?   Click here to get to know RB Bautista better. Thanks!

No comments:

Post a Comment