Wednesday, June 26, 2013

Mr.Beans lang ang katapat !

Eda-mame- pronounced: e-da-mah-me.  ( eda-branch, mame- beans , peas ) --Branched peas - Hairy beans. Happy peas in the pod.

It's legumes harvest time once again. Dami na naman naming ilalaga para miryendahen. At para papakin lalo na kung may bisita, o nguyain habang  umaandar ang sasakyan kesa naman bumili pa sa kanto ng kung anu anong ke aalat na chi-chir-yucks!

Mahal ang freshly picked na eda-mame  dito kung bibili tayo. Swerte na nga lang namin dahil ang aming lolang Japanese eh,mukang kinarir na ang planting at agriculture .Dahil lahat na ata ay itinanim nya bilang isang passion o hobby. Nasa kanya ng lahat ikanga. Bahay kubo na lang ang kulang....aalis na.

Nung isang araw gantong ganto din ang peg ng pagkain ko nitong boiled- in- salted -water peas na itu.
And when a friend asked what am I having for lunch, i just told her , nothing but a / this bowl of yummy peas.

Basically she would say na kumain ako ng maayos kung malaman nyang isang uri lang ang kinakain ko or minsan , di masyadong balanse ang diet namin. Nagulat na lang ako na sabi nya lang..."Oh,that's good. Take and consume lots of those. " Fiber.

Nakakaadik nga naman kase. Isang magandang alternatibo mula sa pagkasugapa sa pagkain ng mais at keso.

At dahil dyan, napa-Google tuloy ako ng mga benepisyong maaari nating makuha mula sa eda mame.
Sampulan ko lang kayo ng mangilan ngilan.

1.Mabisa itong anti-oxidants dahil sa taglay nitong isoflavones. I-google nyo ang isoflavones. (belat !)

2.Nagsisilbi din itong anti-flammatory at magandang kainin lalo na nung mga may rayu -rayuma dyan.

3.May protein din tayong makukuha pagmula dito na kadalasang kelangan talaga ng ating mga katawang lupa, lalo na pati dun sa mga kinakarir ang tawag ng palakasan.

4.Magaling din ito para sa mga babaeng malapit ng mag-menopause.Women who are menopausal and have low estrogen levels may benefit from snacking on a handful of edamame daily because of the natural soybean's phytochemical quality. "Search Google for the latter part". :) . Credit due.





5.Marami din itong laman na vitamins at minerals at higit sa lahat yun nga..may fiber. Tama ang kaibigan ko. 


6. At nakakapagpabilis din ito ng metabolism ng katawang lupa natin .


Kaya eto, malapit ng maubos ang isang load na inilaga kanina.

I'll never ever get tired of snacking eda mame. 

May alam ka pa bang maidadagdag mo sa mga benepisyong maari nating makuha mula dito?

Sabi lang. Para makatulong din sa iba.



 The above post is brought to you by RB Bautista, trying to be at help on her own simplest ways. Click here to get to know RB Bautista better. Thanks!

1 comment:

  1. Dahil po dito sa aming Edamame binalikan ng asawa ko ang kanyang blog na matagal nang hindi naupdate.

    ReplyDelete