Monday, June 24, 2013

Kalma lang!

Takot ako sa heights aaminin ko. Pero pag nand'yan na at kasubuan  napipilitan pa rin akong kamkamin ang fear para maramdaman ko naman ang pakiramdam na tinalo ko sya. Si Fear.

Una, dahil siguro bilang isang mabait na ina, (eherm)eh kelangang i-role model mo sa mga junak natin na matapang tayo. Talking about riding on amusement rides during their childhood. Kinakarir ko talaga yun. Ikako,a family that rides a rollercoaster and "birit" together,stays together.

'Di naman 'yun naging walang kwenta lang dahil tumimo sa mga maliliit na utak ng mga batibot  na lagi akong present kahit ano pang lakaran at laging kasama sa kahit gaano pang kataas na sasakyan. Panalo sa pakiramdam! Worthy!

Kaso lang sobra akong maligalig kada sakay. Daming tanong kung safe na ba talaga.

- Sumimasen- mou hontouni daijoubu desu ka?  Helow po Mamang- mag-aayos- ng- mga -safety- gears, syurball po bang ayos na 'to.

Ang mga bata po,okey na ba sila?  -- kahit 'yung pinakasimpleng merry go swing*,apilado ako lagi. Uunahin ang kasiguraduhan ng anak kesa sa pangsariling sarili. lol

3 years ago. inaamin ko uli na first time ko sumakay ng Zipline somewhere in Tagaytay.

 Before that may karanasan nga pala ako dito sa Japan na medyo nahulog ako sa lupa. Ito yung tipong sasabit ka lang sa lubid na ipapatakbo ng bearings.Buti kamo medyo mababaw lang.
Syempre, mas lalong tumindi ang takot ko sa mga ganto ganto. Dumagdag pa nga ang pagkakahulog na ito.

So,' yun nga.

Pagsakay namin (kinarag ko ang Ate Marielle na isa ring magaling matakot) sa Tagaytay sandamakmak na tanong uli ke Kuyang- magsasarado- ng- mga- bakal bakal -at tali tali- sa katawang lupa namin.

Koya, maki syerto ang pagkakatali ha. 'Yung tsinelas namin baka mahulog.
----(Naka-sikyor naman pong maigi, Ma'm)

Koya, bakit madulas ang harness?
---(Baka po pawisan lang kayo)

Koya , may nahulog na ba dito?
--- (Ahh ehh...so far wala pa naman po.)

Koya, ilang minuto ang travel nito?
--- ( Wala pa pong 3 minutes, eh di ko po alam, kayo na po magsukat)

Koya, anu ang nasa dako pa ro'n?  sabay turo ng mga animo broccoli-ng bulubundukin.
---( Eh,Ma'm parang bundok po!) asar na ata si Koya+

Koya, syur kang kaya ako nito ha?
--- (Opo mam, sabay ngising parang nakakaloko)

Koya, 'wag mong iikot ang harness ha. 'Yung simpleng lipad lang muna.
---( Ngisi lang  uli ang loko)


Koya, ikabet mong maige , make sure that everything's gonna be alright.Pretty pretty pleaseeee.... Napapa-Inggles na, naiihi todo takot.

Koya,countdown tayo ha...........
---(katahimikan)

At malamig na sumapak esteh...humalik sa maamo naming mga mukha ang hanging Tagaytay. :p
Koyaaaaaa....  (di na nakaapila kase itinulak na ni Koya ang lubed!)

 Arrrgggggghhhh!!! Lipaddd, Darna lipaddd !!!

Pero mas nanginginig ang ate ko. Dama ko sa hawak nya sa pawisan kong mga braso at kamay.

Hindi pwedeng dalawa kaming matatakutin.

Tatlong minuto lang naman . Kalmado lang dapat.

Kalma lang, te!

Di ba sabi nga, conquer our fears?

Effective.

Pareho naming na-enjoy sa kalagitnaan.

At sa huli, di na kami pareho takot.

At ang malupit pa nito, super buysung pa ng mala- passport na tickets para sa paulit ulit na paglipad sa Zipline. Iba iba na kinakasama namin kada lipad. Sarap pag matapang na. Palitan na ng myembro.

This time, may request pang...Koya, iikot mo kami okay ?!!?

---Opo,Ma'm.

---Happy na rin si Koya. Salamat po.

Kalma lang sa buhay.
Kelangan subukan uli ang mga bagay na kinatatakutan natin.

Kayo, may mga ganto rin ba kayong experiences? Feel free to leave your feedbacks.
Thanks for dropping by.

Best of regards!










No comments:

Post a Comment