Tuesday, June 25, 2013

Noon,ngayon, bukas.


Matagal ng panahong may nagsasabi sa aking gumawa daw ako ng website ( I meant , yung seryosohang may bayad yung domain), dahil boom nga daw ang pagkakaroon nito at pwedeng pagkakitaan.

Sayang naman daw lahat ng blogs na ginagawa ko. Sabi yan sa akin ng isang parang itinuring ko na ring nakakatandang kapatid na itago na lang natin sa pangalang Kuya Eddie, minus the "napakasakit" part.


 Ngunit subalit datapwa't kahit ilang dekada na ang dumaan , hindi ko ito binigyan man lang ng pansin. Kako nandito ako sa internet para magsaya, para maki-connect sa mga nawawalang kaibigan,kakilala kapamilya kapuso kanguso at kung anik anik pa.


May mapasaya lang ako sa bawat biro kong mga korni pagminsan eh , ayos na ang buto buto.

 Naubos na rin ang mga isinulat ko online.Yung iba , maswerteng nai-back up .'Yung iba, kinain na rin ng sitwasyong sumama sa pagkalunod ng bawat site na nagsasara. Bangkrap.


 Friendster, Hi 5 My Space,Live Journal,Multiply may Xanga pa,name it. Blogspot, Blogger na ngayon. Meron kaming samahan dun. Barkadahang bloggista. Iba ibang kategorya,mula sa isang simpleng pagratsada lang ng mga araw araw na kaganapan sa buhay buhay.


 Nar'yang sa parte ng lutuan.turuan. Meron pang Balagtasan. Sabi sa inyo...nandun ng lahat. Meron din kaming radio connection. Ang super saya lang. Jamming all the DJs. Wiggle your hands up in the air ,yow! :p

 Nasayang ang mga panahong iyon. Kung noon pa akoy nakinig na,baka kahit paano eh, may nabuo na rin ako at naitatag na pangalan sa mundo ng internet.

Pero okey lang din,magsisi man ako ay huli na. Di na maibabalik ang mga oras na puro paglilimayon at pag -aasikot lang ang inatupag ko sa bawat paglayag pagkaharap na ang computer.

 Sa isip ko rin naman eh, di ko kayang mag maintain ng mga madudugong website. Di ako para dun dahil magtype na nga lang eh pahirapan pa sa akin.

 'Tsaka promise, kahit apat ang computer dito sa aming bahay ... (apat dahil kelangan ng asawa ko sa work nya) bago pa ako nakagamit..ilang taon pa. 'Kala ko kase ang computer eh, para lang sa pagko-compute. (Ang laki kong shunga!)

Yan ay dulot ng sobra kong pagmamahal sa Math, o Aritmetika. Mafhemafics ang sabi nga ni Bob Ong.

 ----Pero sabi kikita daw.

 Kako na naman ulet.di ko kailangan ang kitaan.

Baka masabi mong may hatid na kayabangan.Pero yun ang totoo. Di ako nag- iinternet para sa pera. Kasi kung pera, popularidad o kasikatan lang ang habol ko,disin sana'y pinagpuspusan ko na nun ang pangangarir sa bawat aksyon na ginagawa ko
.


 Basta na lang kung mag-lagay ako ng title, di ko alam ang Search Engine Optimizer na yan .Keber! Iba nga kase ang isip ko nun. Now masasabi kong iba na kesa nuun. Medyo nagbago na ang ihip ng hangin.

 Di pa rin naman ako after sa salapi. Ngayon mas masaya pa rin akong maisip na kahit ako isang hamak na RB Bautista laang eh, sana mas mayroong katuturan ang bawat mga pangungusap na ididikta ng puso , at ititipa ng mga daliri. Kumbaga..mas mabigat na ngayon ang dahilan kumbakit mag -eexist ako sa cyberworld.

 Iniwasan ko na ring maging isang magaling na debatera. Kolokyal na tawag dyan eh; patulera!

Nung magsimula akong magsasama sa mga mentors namin eh, medyo naiba lalo ang outlook ko.

From being a feisty to being a mapagkontrol na. Pero depende pa rin kung hanggang saan makayanan ng pasensya ang kada anong treatment ng kapwa.

 Pag-aaral kada bawat araw.Masarap matuto. Daming bagong kaalaman ang naghihintay sa ating lahat. 
Kesa makipag emohan sa kung saan, balik aral , balik negosyo. Balik pagtuturo.

 Eto lang muna. I'm not ranting. Balik tanaw lang.

 Masarap ang ngayon. Ibahin na natin ang takbo ng ngayon para mas maigiya tayo nito sa mas magandang bukas. (* anubaytuhh?!?! kaydramaaaa!)

 RB+
 The above post is brought to you by RB Bautista, who helps people earn online. Click here to get to know RB Bautista better. Thanks!

No comments:

Post a Comment