Thursday, June 27, 2013

Ang gulang mo naman.

Hello sa inyong lahat!

 Naalala nyo 'yung insurance agent na lagi akong kinukulet na makipag -morning coffee daw sa kanya? Lady sya , okey ? 'Wag maging malisyoso/malisyosa! 'kurutin ko kayo dyan sa singet,makita nyo!


 Opo, 'yun nga pong medyo ni-refuse ko na sya sa brekkie eh, bigla pang humirit ng "isang makalaglag tukang " What about lunch?" Then there I'd go again saying, I'm not available during those times. Simply means, "wag muna ngayon pwede ba...busy ako sa buhay !"---



 Pero mukang tipo nya talaga ako makapiling. (Hindi sa pag-be-vain, feel ko talaga 'yun!)

 And with all due respect , ramdam ko rin naman ang sincerity ng pakikipag-kaibigan nya sa akin. Aside from the business din naman na aming kinakasangkutan.

 So ayun, nung umapila ng dinner, wala na naman akong magagawa kundi makipagkitaan na rin  para ma-close na rin ang aming real -deal. :p

 Super churvah sya to da max. After business talk, ayun, arya naman nya akong tanungin kumbaket daw sobrang naka absorb ako sa kultura nila .Dami tanong,  kulang na lang judges sa panel seats , kaway kaway , setro at korona. :p

At ang main reason pala na gusto nya akong makita ay para lang may mapaghingahan ng mga worries nya about her eldest na aalis na rin sa pugad nila. Papunta sa base.Magsu-sundalo.Public servant.


 Iyak iyak pa sya. Pero lubos ko syang naiintindihan sa dahilan ng pagkalungkot nya. Kako, kelangan talaga tatagan natin sarili natin paglalakihan ng mga bata. At tanggapin na lang namin kako na talagang kailangan din ng mga bata na lumaki at magkaroon ng sari- sarili nilang mundo, pag-iisip, desisyon at pangarap.


 Dami pang napagdaanan ang aming kwentong temang pagka-magulang. Parenting po at di yung mukhang pera...-->magulang . :p


 In the end, naka-smile na sya kahit muktong mukto ang kanyang maliliit na mga mata .
 Dahil naluwagan daw kahit papano ang malungkot, mabigat at masikip nyang dibdib.

 Feeling ko naman ay isa akong magaling na guidance counselor na ibinahagi lang naman ang bawat karanasan at kaprasong nalalaman para maalis na ang mga agam agam
 sa kanyang pakiramdam. I needed some "commas" there. Enge na ring tubeg. Kahingal ...


   Mahirap mawalay sa mga anak. 'Yung mga anak natin, kahit pa husgahan natin silang tuwang tuwa sila kase malaya nilang magagawa ang mga gusto nila, dahil di natin sila abot-tanaw; di totoo yun. 

Eto ang isa lang sa mga sigurado, in a way, nalulungkot din yang mga bakulaw na yan at nami-miss lahat ang katangian ng ating pagka-mudra!


 At wag kalimutang i-kredito, ang pagka-pudra rin. At kung simpleng mudra lang naman ang nag-re-raise sa mga anak , abay dobleng pagsaludo ang dapat igawad sa kanila Double treat! <3


 The above post is brought to you by RB Bautista, who helps people grab an opportunity online.. Click here to get to know RB Bautista better. Thanks!

No comments:

Post a Comment