Friday, June 28, 2013

Banana chocolate cake.

Since we have tons of cocoa powder and nama - chocolate which my daughter has bought and left just sitting on the fridge, 'made this very simple yet so yummy sweet pastry. 

Cooking hour: 45 minutes/ almost an hour
You'll be needing:  a pound cake tin 
(or you can use a 22" cake round tin )
(or you can use some  muffin containers )
mixer


Pre-heat the oven at 250 

Banana chocolate  cake
Ingredients
2 cups all purpose flour
1 cup cocoa powder
1 tsp  baking soda
1/2 tsp    baking powder 
  1 1/2 cups sugar--- (I only used 1 cup to lessen the sweetness)
1tsp. salt
a pinch of cinnamon - 

1tsp vanilla extract
1/2 cup butter 
1tsp almond extract (optional, happened to also have this in the storage)

2 eggs
nuts or chocolate chips 

4 riped bananas

Procedure:
1. Sift all the powder ingredients and mix all together in a wide bowl.
2.Add two beaten eggs , butter, salt and sugar, mix well.
3.In a separate bowl,mash the bananas manually by fork or you can also use a mixer.
4.Combine two mixtures together , no need to mix really well.
5.Put the batter into the pre-greased loaf pan/  molding tin.
6.Bake for 30 -35 minutes.
7.Check once in a while using a toothpick.
8. Cool down  the cake.
9.Serve with ice cream,iced-tea,green tea , hot tea or coffee. 
RB+ 
images are randomly posted*
Happy baking !

Here is the finished product. Moisty chocolate banana bread/pound/cake?

Sprinkling almond flakes on the batter. 

Pumu-food photography effect lang. Taken at Holga. 

Lined-up. Cooling down process. :p

Minsan kailangan ding gumamit ng mga ganto ganto para mas magmukang okay ang lahat. lols

Complete set up na!

Mango-flavored. Dropping jaws.
The first taste is the deepest. :* (inserts musical note)
Try to make it. So easy, so affordable doesn't take a lot of time.
Perfect for kids and grown up's tea time. 
Ahh...oishii! 
*Yummy !


 The above post is brought to you by RB Bautista, who helps people grab an opportunity online.. Click here to get to know RB Bautista better. Thanks!

Thursday, June 27, 2013

Ang gulang mo naman.

Hello sa inyong lahat!

 Naalala nyo 'yung insurance agent na lagi akong kinukulet na makipag -morning coffee daw sa kanya? Lady sya , okey ? 'Wag maging malisyoso/malisyosa! 'kurutin ko kayo dyan sa singet,makita nyo!


 Opo, 'yun nga pong medyo ni-refuse ko na sya sa brekkie eh, bigla pang humirit ng "isang makalaglag tukang " What about lunch?" Then there I'd go again saying, I'm not available during those times. Simply means, "wag muna ngayon pwede ba...busy ako sa buhay !"---



 Pero mukang tipo nya talaga ako makapiling. (Hindi sa pag-be-vain, feel ko talaga 'yun!)

 And with all due respect , ramdam ko rin naman ang sincerity ng pakikipag-kaibigan nya sa akin. Aside from the business din naman na aming kinakasangkutan.

 So ayun, nung umapila ng dinner, wala na naman akong magagawa kundi makipagkitaan na rin  para ma-close na rin ang aming real -deal. :p

 Super churvah sya to da max. After business talk, ayun, arya naman nya akong tanungin kumbaket daw sobrang naka absorb ako sa kultura nila .Dami tanong,  kulang na lang judges sa panel seats , kaway kaway , setro at korona. :p

At ang main reason pala na gusto nya akong makita ay para lang may mapaghingahan ng mga worries nya about her eldest na aalis na rin sa pugad nila. Papunta sa base.Magsu-sundalo.Public servant.


 Iyak iyak pa sya. Pero lubos ko syang naiintindihan sa dahilan ng pagkalungkot nya. Kako, kelangan talaga tatagan natin sarili natin paglalakihan ng mga bata. At tanggapin na lang namin kako na talagang kailangan din ng mga bata na lumaki at magkaroon ng sari- sarili nilang mundo, pag-iisip, desisyon at pangarap.


 Dami pang napagdaanan ang aming kwentong temang pagka-magulang. Parenting po at di yung mukhang pera...-->magulang . :p


 In the end, naka-smile na sya kahit muktong mukto ang kanyang maliliit na mga mata .
 Dahil naluwagan daw kahit papano ang malungkot, mabigat at masikip nyang dibdib.

 Feeling ko naman ay isa akong magaling na guidance counselor na ibinahagi lang naman ang bawat karanasan at kaprasong nalalaman para maalis na ang mga agam agam
 sa kanyang pakiramdam. I needed some "commas" there. Enge na ring tubeg. Kahingal ...


   Mahirap mawalay sa mga anak. 'Yung mga anak natin, kahit pa husgahan natin silang tuwang tuwa sila kase malaya nilang magagawa ang mga gusto nila, dahil di natin sila abot-tanaw; di totoo yun. 

Eto ang isa lang sa mga sigurado, in a way, nalulungkot din yang mga bakulaw na yan at nami-miss lahat ang katangian ng ating pagka-mudra!


 At wag kalimutang i-kredito, ang pagka-pudra rin. At kung simpleng mudra lang naman ang nag-re-raise sa mga anak , abay dobleng pagsaludo ang dapat igawad sa kanila Double treat! <3


 The above post is brought to you by RB Bautista, who helps people grab an opportunity online.. Click here to get to know RB Bautista better. Thanks!

Wednesday, June 26, 2013

Mr.Beans lang ang katapat !

Eda-mame- pronounced: e-da-mah-me.  ( eda-branch, mame- beans , peas ) --Branched peas - Hairy beans. Happy peas in the pod.

It's legumes harvest time once again. Dami na naman naming ilalaga para miryendahen. At para papakin lalo na kung may bisita, o nguyain habang  umaandar ang sasakyan kesa naman bumili pa sa kanto ng kung anu anong ke aalat na chi-chir-yucks!

Mahal ang freshly picked na eda-mame  dito kung bibili tayo. Swerte na nga lang namin dahil ang aming lolang Japanese eh,mukang kinarir na ang planting at agriculture .Dahil lahat na ata ay itinanim nya bilang isang passion o hobby. Nasa kanya ng lahat ikanga. Bahay kubo na lang ang kulang....aalis na.

Nung isang araw gantong ganto din ang peg ng pagkain ko nitong boiled- in- salted -water peas na itu.
And when a friend asked what am I having for lunch, i just told her , nothing but a / this bowl of yummy peas.

Basically she would say na kumain ako ng maayos kung malaman nyang isang uri lang ang kinakain ko or minsan , di masyadong balanse ang diet namin. Nagulat na lang ako na sabi nya lang..."Oh,that's good. Take and consume lots of those. " Fiber.

Nakakaadik nga naman kase. Isang magandang alternatibo mula sa pagkasugapa sa pagkain ng mais at keso.

At dahil dyan, napa-Google tuloy ako ng mga benepisyong maaari nating makuha mula sa eda mame.
Sampulan ko lang kayo ng mangilan ngilan.

1.Mabisa itong anti-oxidants dahil sa taglay nitong isoflavones. I-google nyo ang isoflavones. (belat !)

2.Nagsisilbi din itong anti-flammatory at magandang kainin lalo na nung mga may rayu -rayuma dyan.

3.May protein din tayong makukuha pagmula dito na kadalasang kelangan talaga ng ating mga katawang lupa, lalo na pati dun sa mga kinakarir ang tawag ng palakasan.

4.Magaling din ito para sa mga babaeng malapit ng mag-menopause.Women who are menopausal and have low estrogen levels may benefit from snacking on a handful of edamame daily because of the natural soybean's phytochemical quality. "Search Google for the latter part". :) . Credit due.





5.Marami din itong laman na vitamins at minerals at higit sa lahat yun nga..may fiber. Tama ang kaibigan ko. 


6. At nakakapagpabilis din ito ng metabolism ng katawang lupa natin .


Kaya eto, malapit ng maubos ang isang load na inilaga kanina.

I'll never ever get tired of snacking eda mame. 

May alam ka pa bang maidadagdag mo sa mga benepisyong maari nating makuha mula dito?

Sabi lang. Para makatulong din sa iba.



 The above post is brought to you by RB Bautista, trying to be at help on her own simplest ways. Click here to get to know RB Bautista better. Thanks!

Tuesday, June 25, 2013

Noon,ngayon, bukas.


Matagal ng panahong may nagsasabi sa aking gumawa daw ako ng website ( I meant , yung seryosohang may bayad yung domain), dahil boom nga daw ang pagkakaroon nito at pwedeng pagkakitaan.

Sayang naman daw lahat ng blogs na ginagawa ko. Sabi yan sa akin ng isang parang itinuring ko na ring nakakatandang kapatid na itago na lang natin sa pangalang Kuya Eddie, minus the "napakasakit" part.


 Ngunit subalit datapwa't kahit ilang dekada na ang dumaan , hindi ko ito binigyan man lang ng pansin. Kako nandito ako sa internet para magsaya, para maki-connect sa mga nawawalang kaibigan,kakilala kapamilya kapuso kanguso at kung anik anik pa.


May mapasaya lang ako sa bawat biro kong mga korni pagminsan eh , ayos na ang buto buto.

 Naubos na rin ang mga isinulat ko online.Yung iba , maswerteng nai-back up .'Yung iba, kinain na rin ng sitwasyong sumama sa pagkalunod ng bawat site na nagsasara. Bangkrap.


 Friendster, Hi 5 My Space,Live Journal,Multiply may Xanga pa,name it. Blogspot, Blogger na ngayon. Meron kaming samahan dun. Barkadahang bloggista. Iba ibang kategorya,mula sa isang simpleng pagratsada lang ng mga araw araw na kaganapan sa buhay buhay.


 Nar'yang sa parte ng lutuan.turuan. Meron pang Balagtasan. Sabi sa inyo...nandun ng lahat. Meron din kaming radio connection. Ang super saya lang. Jamming all the DJs. Wiggle your hands up in the air ,yow! :p

 Nasayang ang mga panahong iyon. Kung noon pa akoy nakinig na,baka kahit paano eh, may nabuo na rin ako at naitatag na pangalan sa mundo ng internet.

Pero okey lang din,magsisi man ako ay huli na. Di na maibabalik ang mga oras na puro paglilimayon at pag -aasikot lang ang inatupag ko sa bawat paglayag pagkaharap na ang computer.

 Sa isip ko rin naman eh, di ko kayang mag maintain ng mga madudugong website. Di ako para dun dahil magtype na nga lang eh pahirapan pa sa akin.

 'Tsaka promise, kahit apat ang computer dito sa aming bahay ... (apat dahil kelangan ng asawa ko sa work nya) bago pa ako nakagamit..ilang taon pa. 'Kala ko kase ang computer eh, para lang sa pagko-compute. (Ang laki kong shunga!)

Yan ay dulot ng sobra kong pagmamahal sa Math, o Aritmetika. Mafhemafics ang sabi nga ni Bob Ong.

 ----Pero sabi kikita daw.

 Kako na naman ulet.di ko kailangan ang kitaan.

Baka masabi mong may hatid na kayabangan.Pero yun ang totoo. Di ako nag- iinternet para sa pera. Kasi kung pera, popularidad o kasikatan lang ang habol ko,disin sana'y pinagpuspusan ko na nun ang pangangarir sa bawat aksyon na ginagawa ko
.


 Basta na lang kung mag-lagay ako ng title, di ko alam ang Search Engine Optimizer na yan .Keber! Iba nga kase ang isip ko nun. Now masasabi kong iba na kesa nuun. Medyo nagbago na ang ihip ng hangin.

 Di pa rin naman ako after sa salapi. Ngayon mas masaya pa rin akong maisip na kahit ako isang hamak na RB Bautista laang eh, sana mas mayroong katuturan ang bawat mga pangungusap na ididikta ng puso , at ititipa ng mga daliri. Kumbaga..mas mabigat na ngayon ang dahilan kumbakit mag -eexist ako sa cyberworld.

 Iniwasan ko na ring maging isang magaling na debatera. Kolokyal na tawag dyan eh; patulera!

Nung magsimula akong magsasama sa mga mentors namin eh, medyo naiba lalo ang outlook ko.

From being a feisty to being a mapagkontrol na. Pero depende pa rin kung hanggang saan makayanan ng pasensya ang kada anong treatment ng kapwa.

 Pag-aaral kada bawat araw.Masarap matuto. Daming bagong kaalaman ang naghihintay sa ating lahat. 
Kesa makipag emohan sa kung saan, balik aral , balik negosyo. Balik pagtuturo.

 Eto lang muna. I'm not ranting. Balik tanaw lang.

 Masarap ang ngayon. Ibahin na natin ang takbo ng ngayon para mas maigiya tayo nito sa mas magandang bukas. (* anubaytuhh?!?! kaydramaaaa!)

 RB+
 The above post is brought to you by RB Bautista, who helps people earn online. Click here to get to know RB Bautista better. Thanks!

Monday, June 24, 2013

Kalma lang!

Takot ako sa heights aaminin ko. Pero pag nand'yan na at kasubuan  napipilitan pa rin akong kamkamin ang fear para maramdaman ko naman ang pakiramdam na tinalo ko sya. Si Fear.

Una, dahil siguro bilang isang mabait na ina, (eherm)eh kelangang i-role model mo sa mga junak natin na matapang tayo. Talking about riding on amusement rides during their childhood. Kinakarir ko talaga yun. Ikako,a family that rides a rollercoaster and "birit" together,stays together.

'Di naman 'yun naging walang kwenta lang dahil tumimo sa mga maliliit na utak ng mga batibot  na lagi akong present kahit ano pang lakaran at laging kasama sa kahit gaano pang kataas na sasakyan. Panalo sa pakiramdam! Worthy!

Kaso lang sobra akong maligalig kada sakay. Daming tanong kung safe na ba talaga.

- Sumimasen- mou hontouni daijoubu desu ka?  Helow po Mamang- mag-aayos- ng- mga -safety- gears, syurball po bang ayos na 'to.

Ang mga bata po,okey na ba sila?  -- kahit 'yung pinakasimpleng merry go swing*,apilado ako lagi. Uunahin ang kasiguraduhan ng anak kesa sa pangsariling sarili. lol

3 years ago. inaamin ko uli na first time ko sumakay ng Zipline somewhere in Tagaytay.

 Before that may karanasan nga pala ako dito sa Japan na medyo nahulog ako sa lupa. Ito yung tipong sasabit ka lang sa lubid na ipapatakbo ng bearings.Buti kamo medyo mababaw lang.
Syempre, mas lalong tumindi ang takot ko sa mga ganto ganto. Dumagdag pa nga ang pagkakahulog na ito.

So,' yun nga.

Pagsakay namin (kinarag ko ang Ate Marielle na isa ring magaling matakot) sa Tagaytay sandamakmak na tanong uli ke Kuyang- magsasarado- ng- mga- bakal bakal -at tali tali- sa katawang lupa namin.

Koya, maki syerto ang pagkakatali ha. 'Yung tsinelas namin baka mahulog.
----(Naka-sikyor naman pong maigi, Ma'm)

Koya, bakit madulas ang harness?
---(Baka po pawisan lang kayo)

Koya , may nahulog na ba dito?
--- (Ahh ehh...so far wala pa naman po.)

Koya, ilang minuto ang travel nito?
--- ( Wala pa pong 3 minutes, eh di ko po alam, kayo na po magsukat)

Koya, anu ang nasa dako pa ro'n?  sabay turo ng mga animo broccoli-ng bulubundukin.
---( Eh,Ma'm parang bundok po!) asar na ata si Koya+

Koya, syur kang kaya ako nito ha?
--- (Opo mam, sabay ngising parang nakakaloko)

Koya, 'wag mong iikot ang harness ha. 'Yung simpleng lipad lang muna.
---( Ngisi lang  uli ang loko)


Koya, ikabet mong maige , make sure that everything's gonna be alright.Pretty pretty pleaseeee.... Napapa-Inggles na, naiihi todo takot.

Koya,countdown tayo ha...........
---(katahimikan)

At malamig na sumapak esteh...humalik sa maamo naming mga mukha ang hanging Tagaytay. :p
Koyaaaaaa....  (di na nakaapila kase itinulak na ni Koya ang lubed!)

 Arrrgggggghhhh!!! Lipaddd, Darna lipaddd !!!

Pero mas nanginginig ang ate ko. Dama ko sa hawak nya sa pawisan kong mga braso at kamay.

Hindi pwedeng dalawa kaming matatakutin.

Tatlong minuto lang naman . Kalmado lang dapat.

Kalma lang, te!

Di ba sabi nga, conquer our fears?

Effective.

Pareho naming na-enjoy sa kalagitnaan.

At sa huli, di na kami pareho takot.

At ang malupit pa nito, super buysung pa ng mala- passport na tickets para sa paulit ulit na paglipad sa Zipline. Iba iba na kinakasama namin kada lipad. Sarap pag matapang na. Palitan na ng myembro.

This time, may request pang...Koya, iikot mo kami okay ?!!?

---Opo,Ma'm.

---Happy na rin si Koya. Salamat po.

Kalma lang sa buhay.
Kelangan subukan uli ang mga bagay na kinatatakutan natin.

Kayo, may mga ganto rin ba kayong experiences? Feel free to leave your feedbacks.
Thanks for dropping by.

Best of regards!










Thursday, June 20, 2013

Holy Pasta!

Spurs* of the moment : Nanalo ang San Antonio Spurs. Wala, kumonek lang!


 Just got back home a while ago... mula sa isang napaka-kangkarot na schedule ng umagang kayganda. Clinic, rehabilitation center, pharmacy, sending to school feeding the patient, balik sa pharmacy kase um-over ang bigay na meds ng pharmacist.Pati yung sa kasunod naming pasyente binigay sa anak ko. :) Tapos kausap sa mga teachers explain dito explain dun.

 Kagutom.

 RB+ Now having a cup of hot Liven and a yummy plate of self made Bolognese spaghetti.Opo.madali lang gumawa nun. Holy pasta! :)

 Gento gento lang paggawa nire.

 Bolognese Sauce Recipe
 SERVES: 6PREP: 15 minsCOOK: 60 mins

Bolognese sauce is a meat-based pasta sauce originating in Bologna, Italy.
Cook a big pot of sauce and freeze the excess sauce in individual serving bags for quick meal solutions. Thaw and warm the sauce in the microwave or saucepan and you have a quick pasta meal in under 15 minutes.

 INGREDIENTS
 1 tbsp olive oil
100 grams streaky bacon chopped
2 stalks celery sliced thinly
1 large onion peeled and diced
 2 carrots peeled and diced
300 grams minced beef
200 grams minced pork
1 glass dry red wine
2 x 400g canned chopped or diced tomatoes
80 grams tomato paste
400 ml water 300 ml milk
 1 bay leaf
1 tbsp dried oregano double amount if using fresh herbs
1 tbsp dried basil double amount if using fresh herbs
 salt and pepper to taste

 INSTRUCTIONS In a pan, add oil and chopped bacon. Lightly brown the bacon for a few minutes. Add chopped celery, onion and carrots. Fry for about 6 minutes on gentle heat until the vegetables are softened. Add minced meat, red wine and fry for a brief moment, browning and distributing the meat evenly. Add chopped tomatoes, tomato paste, water, milk, bay leaf and dried herbs. Simmer for 1 hour, stirring occasionally. Season with salt and pepper.
 The above post is brought to you by RB Bautista, who helps people earn online. Click here to get to know RB Bautista better. Thanks!

Tuesday, June 11, 2013

10 reasons why we should invest time on reading.

We are all used to the sayings that " everything that is too much or excessive is bad".

 Well, I think reading excessively isn't bad at all. Dahil sa totoo lang marami tayong matututunan.
 Kahit anu paman ang mapili nating basahin dyaryo,magazines,cooking books, novels at internet nagbabasa muna tayo sa internet bago pa tayo mag search search hindi ho ba?

At kahit yung simpleng mga pocketbooks or manga/anime...lahat yan may benefits na dala sa atin.
 Pero wala ng hihigit pa sa pagbasa ng isang makatarungang libro. Good book. Books that blend well with our passion and interests. Powerful ito!

Pag nagbabasa tayo di natin nahahalata na nakakatanggap o nakaka- acquire na pala tayo ng maraming benepisyo.

 1. Una, pinapalawak ng pagbabasa ang horizon ng mga vocabulary natin.

 2.Reading is portable. We can do it anywhere,anytime,anyhow.

 3. Nakakatuklas tayo ng mga bagong experiences ng ibang mga tao.Na magugulat ka na lang na sa pagbasa mo nagkaron ka ng solusyon kung kapareho mo ang sitwasyon ng author ng nabasa mo. 

4.Reading between the lines, di mo pansin, nawawala stress naten.

 5.Reading makes us smarter. Nakaka-build ng confidence lalo.

 6.Nababago pa ng pagbabasa ang kakayahan natin sa pag-analisa ng mga bagay bagay.

 8. Aandar ng mas malayo ang angkin nating imahinasyon.

 9.Pag marami tayong kaalaman, di tayo matatakot na makipag usap sa kahit sa sinopamang Poncio  Pilato. :p

 10. At dahil na rin sa pagbabasa o pagsasaliksik nagkakaroon tayo ng magandang foundation kung paano tayo tatayo sa ating mga bibitawang decisions.

 11.Kung marami tayong baon na karunungan , di tayo matatakot humarap sa mundo. Parang sundalong all-geared up pagsabak sa gyera. :)

 12. Nae-exercise pa ng pagbabasa ang ating mga brains na maige para iwas sa sakit na pagkalimot. 

Kaya mga friends, kahit saan tayo magpunta eh kasabwat na ng panahon at sitwasyon ang pagbabasa. Mga sarili natin ang mas makikinabang sa kung anumang mga impormasyon o kaalamang dala at magiging dulot nito.

 Kaya sabi nga sa mga nag-uusuhang dialogue ngayon..."Basa basa lang pag may time".
Will continue to post more advantages of reading pag may iba pa akong naramdaman o napansin.
Kayo ba, may mga napapansin din? Let us know.

 The above post is brought to you by RB Bautista, who helps people earn online. Click here to get to know RB Bautista better. Thanks!

Monday, June 10, 2013

Sound Clouding .

At dahil naandito kayo ngayon sa blogpage na ito....
 Eto muna ang para sa inyo. Smile, people!

Wednesday, June 5, 2013

Betcha By Golly !



Quick and simple tutorial on how to put songs on our web or blogsites.
 Back to back with "How to embed SoundCloud's music stream to a unique style".


1. First you wanna go to your Sound Cloud's site and choose a song.


2.Then,click "Share" button on the song stream that you'd want to post.


3. Click "Edit" to costumize.


4. You can set it to "automatic- play" option. You can also would wanna show your images or not. Your choice. Might wanna play with the font's color.. Whatever youd like to do.



5.After some simple tweaks and twists, you can now embed your music stream on your website.Please make sure that you'd embed the link in html manner.



You can play more with this Sound Cloud' feature. It's indeed fun!



I hope that my little sharing helped you in a way. More blog and blab laters! :)

 The above blogpost is brought to you by RB Bautista, who loves to share her knowledge on how to earn online.