Tuesday, December 18, 2012

Camera shy ka ba ?

Sa mga kasayahan, pagtitipon, pulong o sa mga simpleng handaan o escapades,
'pag picture taking, masaya ka ba ? O andun ka lang sa sulok at  nananalanging matapos na ang mga sandali ng kodakan?

Ikaw ba ay may sakit na kodak-phobia? ( Mahiyaing mag-pakuha ng litrato o camera shy  daw sa wikang Inggles.)

Kung gano'n, sana ay makatulong sa 'yo ang ilang bagay na isusulat ko para naman kahit paano ay mahimasmasan ka sa sakit mong iyan.  Basa.

1. Pinaka-importante mong dapat tanggapin at isabuhay; tumingin kang maige sa salamin...Pag-aralan mo ng mataimtim ang iyong kabuuan. Tanggapin ng buong puso ang mga medyo hindi kaaya-ayang katangian.

Anong paki nila kung meron ka pa mang mala-kunehong tenga? Mga sungki sungking ipin na mahiya mo si Drakula ? waley !!!

 Kung medyo singkit , gumamit ng eyeliner para magmukang owl.
Kung medyo pango, anung ginagawa ng nose liner? Para-paraan lang yan.
Sipatin kung saan may magandang asset sa iyong fex. Panigurado meron 'yan.Galingan ang paghanap .Dapat maging kumportable ka sa muka mo  esteh ...sa pagtanggap ng buong puso.

2.Now, pag meron ka ng kahit kaprasong guts, try mong magkuha ng sarili mong litrato.At pagtyagaan mong praktisin o eksperimuntuhen ang mga mala-Mona Lisa  na smile. Salamin ang magiging kaibigan mo sa  mga panahong iyan. Try to pose in front of the mirror. Umanggulo ka sa magandang part ng katawan o muka mo. Tibay lang ng loob.konting tiwala sa sarili. Kaya natin to!

3. After that, magpakuha na ng aktuwal kasama ang mga kaibigang walang hiya (read: hindi mga camera-shy ) pagdating sa picture-takings. Kuhain lahat ng kopya para marami kang mapagpilian. Digital na naman ngayon, libre na.

4.Next, try mong magpakuha sa mga taong close sa yo o dun sa feel mong komportable ka sa company nya. In this way, malulusaw ang hiya mo at pihadong natural ang kakalabasan ng kuha mo.

5.Tandaan mo na mas magandang makita ka ng tao na laging maaliwalas ang mukha. Kaya pati sa picture , magpapakuha ka rin lang naman syempre mas magandang maimprenta ang masayang aura, di ba?!?!

Kung medyo di pa nagsi-sink in sa 'yo ang mga nakasulat sa taas at medyo slow ka pa...maki try ngang magsulat ng memo notes.Ilista lahat ang do's and dont's at isiping maige na hindi naman mahalaga kung chaka ka o jonget  o may mala beauty queen na fex.Ang pinakamahalaga ay 'yung carry mong mag-try ng mga bago para maayos ang mga di maayos. At importante ring isapuso na ang lahat ay sasaya pag ikaw ay nakatawa.

Smile. You are on candid camera.

Click!

Dalawin mo ako   dito . Usap tayo. :)







How to neat up drawers.


This is how I organize and keep t-shirts .

 To avoid drawer rummagings. Just roll them and show the designs so that you can easily pick them up,one by one.

Hope you find it helpful. :)   Feed me back  when you have done yours,ne!


This simple tip is brought to you by RB Bautista. Glad to be of help .

Thanks.