Saturday, October 6, 2012

Quirky tips

Problema: Kayo ay nagmamadali sa isang lakad,(party,binyagan, aanak sa kasal,ballroom) at tipong you are opt to running out of time sa pag-pahid ng manicure na inintensyon nyo pa talagang bilihin para idisplay sa mga okasyong pupuntahan nyo.In short, yung tipo bang mae-eskarol ang inyong pagpapahid ng manicure. Pwede naman ding mag-nail polish sa inyong mga sariling sasakyan-- hindi nga lang maganda ang magiging wakas.( o outcome ) And worse...nakakahiya kung sa public vehicles magpapahid. Kalabisan na rin ang makatanggap ng mga nagtatanong na tingin mula sa mga mata ng  masa. 

Solusyon: Kumuha ng tennis ball mula sa sports gadgets kit, kung wala naman eh pwede na rin ang karaniwang bola na nasa inyong bahay. Kung wala pa rin eh, pagtyagaan ang isang pandak na bote ng sopdrinks na medyo pabilog ang katawan. 
Dun nyo i-mold ang inyong kamao esteh ...kamay.Paharap sa inyo ang mga daliri at presto! Makakapagpahid na kayo ng nail polish(kyutiks, day !)  kahit pa anong usod at lubak ang ma-encounter ng inyong sinasakyan. 
Success 'di ba ?!!

On to the next level.
Power!
RB+



No comments:

Post a Comment