Friday, October 5, 2012

Ask and you will learn...


Having some coffee at the moment while thinking of what to write and share.
And as the memory lane hits back , let me share with you our family escapades experience one Summer     vacation, a few years back. 

So eto na ang kwento. Nagpasya kaming mag-anak na mamasyal sa isang Theme Park sa malayong lugar. Since malayo nga (at new sa senses ng asawa kong kahit papano eh magaling magmaneho at smart sa direksyon ), hindi naiwasang nagkaligaw-ligaw kami. The husband eh, aligagang aligaga sa pagbasa ng map, sa pag-check sa navigator at sa pagsakit sa ulo kumpano kami makakarating sa isang place na totally stranger sa amin. 
Sa madaling salita,medyo naiinis na sya sa sitwasyon. Kako, baket di na lang tayo magtanong. Sagot nya...wag daw.Bakit kako? Basta wag daw. Showing him respect, Sige kako. tutal ikaw naman ang mahihilo kakaikot sa pare parehong ikutan.

Dumating sa puntong mag-a-alas dose na ng tanghali at mukang nagugutom na ang mga kasamang junaknak . Di pa kami nakakausad  .Stressed sa hindi pa pagdating sa lugar na pakay. To think na bago pa kami lumarga ng lakad na yon ay isang buong araw kaming nakipag titigan sa internet para lang sya mapuntahan ng ayos.
Instead na patulan ko pa ang pagka-dismaya nya,
pinasyahan ko ng magtanong. (kahit ang mahigpit na bilin ay wag nga raw.)

Excuse me...ngarag ka na kaya sa kakamaneho.Windang na rin ang mga bulate sa tyan ng mga anak natin kako, no?  So yun ..nung may makita akong passerby...dala ko ang map.Binuksan ko ang bintana ng sasakyan at nagtanong ng may ngiti sa labi. Sinabe naman agad ang direksyon at saktto! Tumama naman. Parang nagdahilan lang nakalabas din kami sa animo maze na daang pinagkasootan namin. Animong na-engkanto lang ? hehehe

"Thank you "...yan na lang ang nasabi ng ngarag na asawa ko sa akin. Ako naman arya ng sermon. Ayaw mo kaseng magtanong.Taas kase ng pride mo. Note: hindi ko sya inaway.(medyo iji-nastify ko lang ang suggestion ko sa kanya sa simula pa lang. )
 And in the end ..."'you are more than welcome" na lang ang nasabi ko para di na humaba ang nasulusyunan ng problema.  

Quick moral lesson: Kung di alam ang isang bagay ...wag mahihiyang magtanong . Wag masyadong ma-pride na parang alam na natin ang lahat . Wala namang masama sa pagtatanong. At hindi kabawasan sa pagkatao ang paggawa non.Karagdagan pa nga.

P.S. And from then on...ultimo sa Supermarket, di lang makita kaagad ang nais bilihin eh..super tanong na sya agad. Lessons learned. Shoot !

Family story.
END

The above post is brought to you by RB Bautista, who helps people earn online. <a href="http://rbbautista1220.blogspot.jp/p/about-rb-bautista.html">Click here to get to know RB Bautista better</a>. Thanks!



Please Like and kindly Share my Page

No comments:

Post a Comment